Isang araw matapos rumagasa si Odette sa Palawan, kami ay nagsimulang magbalot ng tig-dalawang kilo ng bigas kasama ang ilang noodles at sardinas upang agad matugunan ang pangangailangan ng aming mga kasamahan sa kooperatiba.
Sa halagang Php4,000 nagsimula kaming tumulong sa ating mga kababayan, napakaliit na halaga ngunit malaki ang kahulugan dahil sa panahong ito ay walang bangko at walang ATM para mag withdraw dahil sa pagkasira ng communication lines sa buong lalawigan.
Sa lahat ng mga staff ng Project Zacch na hindi nag atubiling tumulong mag repack, maghanap ng bigas, at bumiyahe ng halos 8 oras makahanap lamang ng signal at makatawag sa aming mga kaibigan sa Maynila, salamat.
Sa lahat ng aming kasamahan sa PZC na nagdonate ng kani-kanilang mga Christmas package para sa mga mas nangangailangan, sa paghingi ng tulong sa kanilang mga kaibigan upang dumami ang aming maibigay na bigas at delata, saludo kami sa inyong kabayanihan!
Ngayon, may mga kaibigan na tayong sasama sa ating adhikaing pagtulong sa mas nakakarami! Salamat sa inyong nasimulan. 🤎👨🌾🙏
Comentarios